Huwebes, Hulyo 26, 2012

Cool & Awesome YENG



Ayan, since I have nothing to do, kasi sira ang twitter!! AMP. Eto nalang ang ginawa ko.. Share ko lang yung mga naedit kong pictures ni ate Josephine :) Masyado niya kasi akong nainspire kaya napakadami niyan! Yiee.. Sana mag-enjoy kayo! And please leave your comment sa mga naedit kong pics.. Tenkyu! :)





























DaFAQ na Twitter

At dahil sa wala akong magawa ngayon.. Dahil wala namang kwenta ang facebook, masyado na akong bored sa kanya at sa sobrang pagkainis ko ngayon sa twitter.. I bloblog ko nalang ito..

kakabukas ko pa nga lang ng laptop eh, tapos ang masasalubong ko, ganito pa..

Oh diba? Dafaq talagang twitter yan! Anu bang problema nila? Ito mga problema sa networking sites eh.. hindi ka sigurado kapag gagana o hindi.. under construction kumabaga.. pero ano na ngayon ang gagawin ko? Eh sa twitter na nga lang ako nakapag-eenjoy kapag nakatutok sa laptop!! DA-Eff naman ito..

TWITTER!! Please bumalik na ang connection mo.. may bago ka na naman bang dapat naming abangan.. bagong app? games? ano ba? hahaha.. ito ba ang nagagawa ng hindi makapagtwitter? :| Hahay.. Suggest something to do? Syempre aside from FB!, That's so boring.. 

KDOT. BYE! WALANG KWENTANG BLOG.

Martes, Hulyo 24, 2012

P-Noy: SONA ito ng sambayang Pilipino



                “What the president says is what he does” Ito ang mga katagang binitawan ng pamahalaan sa naganap na SONA ni P-Noy, pero tama at totoo ba ang lahat ng ito? Aminin na natin na maraming nagawa ang Administrasyong Aquino, at aminin din natin na inisa isa iyon ni P-Noy sa naganap niyang SONA, kaya wala tayong masasabi pa. Pero may mga bagay lang akong gustong linawin sa kanyang mga binanggit. Unang una ay yung mga bagong helicopters, barko at armas na kailangan ng ating AFP. Hindi naman natin maikukubli na talaga nga namang kailangan ng ating kapulisan ang mga ganoong bagay dahil narin sa mga isyung dinadanas ng ating bansa ng tulad na lamang ng isyu tungkol sa China. Pero, ito ang punto ko, nabanggit din niya ang pagbaba ng krimen, carnapping at kung ano pa, pero sa aking nakikita, napapanood at naririnig, ito ang bagay na hindi niya nagawa. Sa kabila ng ginagawa niyang pagpapalakas ng ating kapulisan, ay hindi parin nababawasan ang mga criminal. Para ngang mas lumakas at tumapang pa ang mga criminal dahil sa mas prioridad ng kapulisan ang nangyayari sa pagitan ng Pilipinas at China. Ito ang isa sa problema ko, ang patuloy na pagtaas ng krimen, na taliwas sa binanggit ni P-Noy. Ang susunod ay ang sa edukasyon. Tama! Ang pagdagdag ng mga classrooms, libro, at mga gamit pang paaralan, tama naman ang pagkakasabi niya na tumaas na ang bilang ng mga estudyanteng hindi nakakapag-aral ngayon na nag-aaral na ngayon, tama siya doon. Ang problema naman, sa mga nadagdag na estudyanteng iyon ay lalong nawalan ng mga classroom. Sa school pa nga lang natin eh, may mga nagkaklase sa court, mga tinatawag na “NPA” o walang permanenteng kwarto, mga nagkaklase kahit sa harap ng library. O diba, sa school palang natin, hindi na totoo ang kanyang sinabi. Pero bukod sa lahat ng sinabi niya sa kanyang SONA, hanga naman talaga ako kay P-Noy dahil mas madami ang kanyang nagawang pangako kaysa sa mga napako. Madaming pagbabago. Pero ang tunay na pag-unlad nga ayon kay P-Noy ay makakamtan natin sa pamamagitan ng pagtutulungan. Iwasan na natin ang puro reklamo, imbes maghanap tayo ng paraan kung paano makakatulong sa pamahalaan at sa pag-unlad ng bansang Pilipinas.

Linggo, Hulyo 22, 2012

I Won't Give UP (Tagalog Version by Me!)


“Di Ako Bibitaw”
Hmmmm ... Hmmmm ... Hmmmm ... Hmmm ...

‘Pag ika’y tinitigan
Para bang ikaw ang langit
O ang magandang araw
Sadyang bumubighani

Kagaya ng mga bituin
Malayo na ang iyong narrating
Kaya nga andito ka
Dahil sa iyong ginawa

‘Di ako bibitaw sa iyo
Kahit na ako ay iwan mo
Ibibigay kong lahat sa iyo
Ika’y mamahalin

Kapag kailangang mag-isa
Hahanapin ang sarili
Andito ako, maghihintay
Para sa nahanap

Kahit ang bitui’y nawawala
Ang iba nga’y di Makita
Alam Niyang ating halaga
Di ako bibitaw..

‘Di ako bibitaw sa iyo
Kahit na ako ay iwan mo
Ibibigay kong lahat sa iyo
Ika’y mamahalin

‘Di ako bibitaw sa iyo
Alam niyang kaya ko ito
Marami pang dapat malaman
Alam Niyang ating halaga
‘Di ako bibitaw..

‘Di ako bibitaw sa iyo
Kahit na ako ay iwan mo
Ibibigay kong lahat sa iyo
Ika’y mamahalin

Paniniwala: Itim na Pusa


Madaming pamahiin ang iniwan sa atin n gating mga ninuno na hanggang ngayon ay marami parin sa atin ang gumagawa. Walang kasiguraduhan ang bawat isa na naniniwala sa mga pamahiin na ito kung ito ay makatutulong sa kanila o hindi. Kung ako ang inyong tatanungin, hindi ako naniniwala sa mga pamahiin na iyan.
                Ihahalimbawa ko na itong pamahiin na ito, tutal ito naman ang pinakasikat sa lahat. “May mangyayaring masama sa iyo kapag may dumaang pusa sa harap mo”. Ayan, naniniwala kaba diyan? Ako kasi hindi. Napakaraming itim na pusa ang nagkalat sa ating bansa, kaya magtataka ka pa ba kapag may nakita kang pusang itim na dumaan sa harap mo? Ayon nga sa kasaysayan. Sa lumang Egypt, yung Goddess Bas nila ay kulay itim, eh ang mga Kristiyano dati, dahil nga sa ayaw nila sa ibang relihiyon kaya ipinaniwala nila ang mga tao na nakapaloob daw sa itim na pusa ang pagkatao ng demonyo, pinaniwala din nila na ang mga babaeng may alagang itim na pusa ay mga witch. Ayan ay ayon sa kasaysayan. Sabihin na natin, lumabas ka ng bahay tapos yung pupuntahan mo, sobrang importante. Eh, biglang may dumaan na itim pusa sa harap mo. Dahil nga sa naniniwala ka sa pamahiin kaya umuwi ka nalang sa bahay mo. Ito ngayon ang tanong, paano na yung sobrang importanteng pupuntahan mo? Paano na kapag trabaho yun? Paano na kapag school work yun? Paano na kapag yun na yung chance mo o opportunity mo na umasenso sa buhay? Paano na nga? Diba sayang! Nang dahil lang sa itim na pusa, nawala na yung oportunidad na matagal mo nang inaantay.
                Kaya kung sa akin lang, hindi talaga kapani paniwala itong pamahiin na ito. Hindi ka makasisigurado kung maganda o masama ang epekto sa iyo ng pagsunod sa mga pamahiin na ito. Para sa akin kasi, hindi ko isasaalang alang ang bagay na mahalaga para lang sa isang itim na pusa. Pero, nasa sa inyo parin kung patuloy kayong maniniwala o hindi.

4th LEVEL UP!! Day Two, July 21,2012









Ayan, halata naman puro picture lang ang ginawa namin,.... hahahha!! BOW. Hindi kami nagreview niyan.. hehehe! Jokes. Salamat UP Comm Ress! :) Great JOB!! :) THUmbs UP sa inyong lahat... :)

QUEZON CITY SCIENCE INTERACTIVE CENTER| 07-18-12


Masaya naman siya.. Hehehe.. Sobrang init kasi nung pumunta kami.. kaya nakakaasar langs.. Anyway.. Magkwekwento na ako.. 10 rooms yung pinasukan naming.. Yung tatlo dun, Auditorium na sobrang boring... Robotics na na elibs talaga ako.. ang astig kasi ng mga robot na gawa ni Kuya King.. and yung 3rd ay yung Gallery na cool yung mga exhibits.. Room na may pinakamarami akong natutunan :)


HAPPIEST TEACHERS.. Tatlo yung pinakanakakatuwa at masayang teacher na nameet ko dun.. Una, Si Kuya Arnold Jan Carlos Santos.. Oha!! Amazing.. HAHAHAH! Ayan kasi yung trademark niya.. Chos.. Wala lang.. ang pasaway niya magturo.. nakakaengganyo. Pangalawa, Si Kuya Japet.. Kalbo siya.. Hindi pala, Not-pa lang.. hahaha... Last room naming siya nameet. Ang kulit din niya.. ang hilig din magpatawa.. at sa kanya natutunan ng mga klasmeyts ko ang vacuum at boboka.. :) hahhahah! And yung 3rd si Kuya King.. Wala lang.. ang gwapo niya kasi eh.. Hahahah! Siya yung nasa Robotics.. Matalino na, tapos ang galing pa gumawa ng robots.. Oha.. AMAZING... Hahaha! :)

WEIRD TEACHERS.. Una, si Mam BioTech... Hahhaha! Hindi ko alam kung bakit... Basta hindi ko lang siya trip... ;p Hindi pala teachers.. hahaha... isa lang pala siya. :0

Sa Gallery... ang favourite ko yung shadow blah blah... hehehehe... natuwa lang ako. :) at saka yung Jacob’s Ladder.. Yung electricity tapos hinipan mo, hihinto yung kuryente... ang cool lang kasi.. ;p

Sa Robotics.. Cool din ng mga robots.. Kasi ang talino nung gumawa.. Paano kaya niya nagawa yun? No? May aso pa.. Tapos sumasayaw.. tapos kung ano pa...

Sa Auditorium... Ang BOOOOOORRRINNGGG... :D
Ayuuuun lang! The whole day was good! Sobrang saya... tapos gala kami after... Sa circle.. Gawa ng konting Homework at saka naglaro... :) masaya! Tapos nagbaliw-baliwan na naman kaming tatlo ni BUdz at Munch... :D ito mga pics naming oh..




Linggo, Hulyo 15, 2012

ASAP Champs Reunite


After how many years... Nagsama sama na naman ang #ASAP CHAMPS sa program ng nag-iisang Sarah G. Hahaha. Sobrang nakakamiss lang at nakaktuwa na nagsama sama na naman sila sa #SARAHGLIVE. Namiss talaga nila ang isa't-isa. Nakakatuwa. :)


Tapos.. This.. Ang ganda niya kahit kailan.. Haha. From ASAP kaninang tanghali hanggang ngayong gabi, ang ganda ganda talaga niya. Idol ko talaga! Astig niya sa lahat. :) sayang nga lang... nakakabitin yung guesting kasi hindi man lang inenterview sila.. haiy. :( pero ayos lang.. at least they saw each other again :)

Erik Santos, Sam Milby, Yeng Constantino @ Sarah G Live :)

Yeng Constantino ready to show her “brand new” self

Source: http://www.pep.ph/spotlight/in-focus/27569/Yeng-Constantino-ready-to-show-her



People always hit her with negative comments about her fashion sense and her music style, but Yeng Constantino is not one to  gets affected easily.
In her six years in show business, the former Pinoy Dream Academy grand star dreamer has learned to accept criticism and to be inspired with compliments.
“Siguro nag-mature ako as a person when it comes to criticisms.“Parang mas secure ako ngayon,” she told PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) and other media in an interview during the opening of Academy of Rock at Power Plant Mall, Rockwell Drive, Makati City recently.
“Nakikinig ako pero hindi ko naman lahat tine-take personally, especially ‘yong mga bad criticisms.
“Kailangan kong kunin ‘yong magaganda then, itapon ‘yong hindi maganda, mas nagma-mature ako through that.”
She further said, “At the same time, hindi ko iniisip, honestly, alam mo ‘yon, na parang produkto ka lang.
“I’m really just expressing myself.
“At the same time, kumo-compromise ka kasi hindi lang naman ikaw ‘yong tao sa island. Natuto na ako.”
TRYING OUT NEW STYLE. In her earlier years in showbiz, Yeng was usually tagged as “baduy” because of the way she dresses. However, it seemed out of character for her to follow the latest fashion trends.
Trying different styles is part of her growth.
“Plus, ayaw ko ring ma-bore sa mga ginagawa ko,” she added.  Gusto ko po talaga na parang ano, ‘Gusto kong tikman ‘to. Ano kaya ang lasa niyan?’
“Kapag sobrang astig, ‘Wow! Okay pala ‘yon.’ Kapag pangit, ‘Ay!’
“So, parang try and try lang until you find your style.
“‘Yong season ng buhay ko parang nahanap ko na ‘yong pinakagusto ko. Masasabi ko na mas confident na ako ngayon.”
——From PEP. Thank you for always making an article for ate Yeng ;)


Sabado, Hulyo 14, 2012

Yeng Constantino @ David Cook's Concert in Manila










Yeng Constantino @ David Cook's Concert in Manila
sobrang saya lang na sobrang saya ng ate ko @yengPLUGGEDin sa naganap na concert kanina. She sang with David Cook. ;) So proud kay Ate, dami daming feedbacks. Ibang klase talaga si kapag si Ate Yeng na ang kumanta <3 Because It’s because of Him and It’s all for Him ;) Congrats ulit Atee!!! Mahal ka namin ng Yengsters!! ;)