Martes, Hulyo 24, 2012

P-Noy: SONA ito ng sambayang Pilipino



                “What the president says is what he does” Ito ang mga katagang binitawan ng pamahalaan sa naganap na SONA ni P-Noy, pero tama at totoo ba ang lahat ng ito? Aminin na natin na maraming nagawa ang Administrasyong Aquino, at aminin din natin na inisa isa iyon ni P-Noy sa naganap niyang SONA, kaya wala tayong masasabi pa. Pero may mga bagay lang akong gustong linawin sa kanyang mga binanggit. Unang una ay yung mga bagong helicopters, barko at armas na kailangan ng ating AFP. Hindi naman natin maikukubli na talaga nga namang kailangan ng ating kapulisan ang mga ganoong bagay dahil narin sa mga isyung dinadanas ng ating bansa ng tulad na lamang ng isyu tungkol sa China. Pero, ito ang punto ko, nabanggit din niya ang pagbaba ng krimen, carnapping at kung ano pa, pero sa aking nakikita, napapanood at naririnig, ito ang bagay na hindi niya nagawa. Sa kabila ng ginagawa niyang pagpapalakas ng ating kapulisan, ay hindi parin nababawasan ang mga criminal. Para ngang mas lumakas at tumapang pa ang mga criminal dahil sa mas prioridad ng kapulisan ang nangyayari sa pagitan ng Pilipinas at China. Ito ang isa sa problema ko, ang patuloy na pagtaas ng krimen, na taliwas sa binanggit ni P-Noy. Ang susunod ay ang sa edukasyon. Tama! Ang pagdagdag ng mga classrooms, libro, at mga gamit pang paaralan, tama naman ang pagkakasabi niya na tumaas na ang bilang ng mga estudyanteng hindi nakakapag-aral ngayon na nag-aaral na ngayon, tama siya doon. Ang problema naman, sa mga nadagdag na estudyanteng iyon ay lalong nawalan ng mga classroom. Sa school pa nga lang natin eh, may mga nagkaklase sa court, mga tinatawag na “NPA” o walang permanenteng kwarto, mga nagkaklase kahit sa harap ng library. O diba, sa school palang natin, hindi na totoo ang kanyang sinabi. Pero bukod sa lahat ng sinabi niya sa kanyang SONA, hanga naman talaga ako kay P-Noy dahil mas madami ang kanyang nagawang pangako kaysa sa mga napako. Madaming pagbabago. Pero ang tunay na pag-unlad nga ayon kay P-Noy ay makakamtan natin sa pamamagitan ng pagtutulungan. Iwasan na natin ang puro reklamo, imbes maghanap tayo ng paraan kung paano makakatulong sa pamahalaan at sa pag-unlad ng bansang Pilipinas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento