Linggo, Hulyo 22, 2012

Paniniwala: Itim na Pusa


Madaming pamahiin ang iniwan sa atin n gating mga ninuno na hanggang ngayon ay marami parin sa atin ang gumagawa. Walang kasiguraduhan ang bawat isa na naniniwala sa mga pamahiin na ito kung ito ay makatutulong sa kanila o hindi. Kung ako ang inyong tatanungin, hindi ako naniniwala sa mga pamahiin na iyan.
                Ihahalimbawa ko na itong pamahiin na ito, tutal ito naman ang pinakasikat sa lahat. “May mangyayaring masama sa iyo kapag may dumaang pusa sa harap mo”. Ayan, naniniwala kaba diyan? Ako kasi hindi. Napakaraming itim na pusa ang nagkalat sa ating bansa, kaya magtataka ka pa ba kapag may nakita kang pusang itim na dumaan sa harap mo? Ayon nga sa kasaysayan. Sa lumang Egypt, yung Goddess Bas nila ay kulay itim, eh ang mga Kristiyano dati, dahil nga sa ayaw nila sa ibang relihiyon kaya ipinaniwala nila ang mga tao na nakapaloob daw sa itim na pusa ang pagkatao ng demonyo, pinaniwala din nila na ang mga babaeng may alagang itim na pusa ay mga witch. Ayan ay ayon sa kasaysayan. Sabihin na natin, lumabas ka ng bahay tapos yung pupuntahan mo, sobrang importante. Eh, biglang may dumaan na itim pusa sa harap mo. Dahil nga sa naniniwala ka sa pamahiin kaya umuwi ka nalang sa bahay mo. Ito ngayon ang tanong, paano na yung sobrang importanteng pupuntahan mo? Paano na kapag trabaho yun? Paano na kapag school work yun? Paano na kapag yun na yung chance mo o opportunity mo na umasenso sa buhay? Paano na nga? Diba sayang! Nang dahil lang sa itim na pusa, nawala na yung oportunidad na matagal mo nang inaantay.
                Kaya kung sa akin lang, hindi talaga kapani paniwala itong pamahiin na ito. Hindi ka makasisigurado kung maganda o masama ang epekto sa iyo ng pagsunod sa mga pamahiin na ito. Para sa akin kasi, hindi ko isasaalang alang ang bagay na mahalaga para lang sa isang itim na pusa. Pero, nasa sa inyo parin kung patuloy kayong maniniwala o hindi.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento