Mainit
pa sa araw ang patuloy na pagtatalo at diskusyon tungkol sa kontrobersyal na
Republic Act No. 10175 o kilala natin na “Cyber Crime Law” na kahit saang panig
ng ating bansa, mapa-eskwelahan man, mga opisina, o maging sa cyberspace ay
patuloy na binabatikos.
Binansagan
pa ngang Cyber Martial Law ang batas na ito sa kadahilanang ito ang modernong
martial law ni Marcos. Marami rin ang nagrereklamo sa mabilis nitong
pagsasabatas samantalang ang ibang nakabinbin gaya ng FOI o Freedom of
Information Bill ay patuloy paring pinagtatalunan ng senado. Ang iba nama’y
sinisisi si Sen. Tito Sotto dahilang biktima ito ng cyber bullying at ito ang
kanyang ganti sa mga “nambubully” sa kanya sa cyberspace.
Pero,
bakit nga ba grabe nalang makaangal ang mga netizens sa pagsasabatas nito?
Nung
una ay marahil magreklamo at umangal ka talaga kapag narinig mo yang Cyber
Crime Law na yan, pero nung sinimulan kong basahin ang buong batas ay wala
naman akong kinatakot. Dapat nga’y wala tayong pangambahan sa batas na ito kung
hindi lang natin aabusuhin ang malayang pamamahayag.
Tama
nga sila, ang internet ay nilikha para mabigyan ng pagkakataon ang sinuman na
marinig sa buong mundo, tama rin sila na sa internet at mga social networking
sites ay maibubuhos natin ang ating opinion at hinanaing sa ating gobyerno.
Iyan ang mabuting dulot ng internet, pero wag nating ipagkaila na magagamit ang
internet sa iba’t-ibang pang-aabuso at mga mapanirang puri. Aminin natin na ang
cyberspace ay magagamit sa mga pambabastos.
Hindi
naman sa sang-ayon ako sa Cyber Crime Law dahil bilang isang mamamahayag, lalo
na ako na mahilig mambatikos, malamang ay ako na ang unang tututol sa batas na
iyan. Pero, ako bilang manunulat, gaya rin ng ibang manunulat diyan ay natutuwa
rin dito dahil narin sa maiiwasan ang mga pangongopya o tinatawag nilang
“plagiarism.”
May
limitasyon ang paggamit ng internet. Kaya siguro ay naisabatas na ito dahil sa
laganap na sa cyberspace ang pagpopost ng mga malalaswang mga litrato at mga
mapanirang mga puna. Napabalita na nga kamakailan ang isang dalagang babae na
nagpakamatay dahil sa mga nababasa at natatanggap niyang mga mapanirang mga
komento sa kanyang pinost na picture. Isa pang halimbawa ay ang cosplayer na si
Myrtle Sarrosa na nagkaroon ng trauma dahil sa pambubully sa kanya sa
cyberspace. Kaya kung itong Cyber Crime na ito ang makapipigil sa mga
pambabastos at paninira na umiikot sa internet, aba, dapat lang na tuluyang
implementahan ito.
Ang
tanging iwasan lang nitong batas na ito ay ang pagpigil sa ating malayang
pamamahayag ng ating mga opinion at puna sa ating maduming gobyerno at lipunan.
Sana ay hindi gamitin ng mga politico ang batas na ito upang makaangat at
makaiwas sa mga nambabatikos sa kanila.
Lagi nating
tandaan na tayong lahat ay Malaya sa pagpapahayag ng ating mga opinion ngunit
wag lang tayong maging mapang-abuso. Wala namang magiging problema kung lahat
tayo ay may disiplina sa ating mga sarili at kung lahat tayo ay alam ang ating
mga limitasyon bilang mga netizens.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento