Martes, Agosto 7, 2012

Mas masaya dito, ONLI IN DA PILIPINS


It’s more fun in the Philippines! Bagong tagline ng Pilipinas para makahatak ng mga turista. Aba! Madami talagang dadagsa sa ating bansa. Haler? Ang ganda kaya ng Pilipinas! Kaya mas masayang manirahan dito.
                Mga lugar? Walang problema! And daming magagandang tourist spots ditto sa Pilipinas, mga historical places, andyan ang Luneta, Intramuros, Cebu, Bohol, Batangas, mga lugar na nagtataglay ng kaniya-kaniyang magagandang pasyalan. O kay gandang bumisita sa Pilipinas. Baguio, Daguapan, Boracay, Palawan. Ang daming lugar sa bansang kay sarap pasyalan!
                Mga tao? Wala ding problema. Ayon nga sa isang survey, ang mga Pilipino ang isa sa mga tao na masayahin at magiliw sa pagtanggap ng mga bisita. Kaya anong aalalahanin ng mga turista? Magaganda’t gwapo na, mababait pa. Kahit nga panahon ng problema, ang mga Pilipino ay nakangiti parin. Nagawa pang kumaway at bumati sa harap ng camera sa panahon ng kalamidad. Ayan ang Pilipino!
                At sa pagkain? Nakow. Hindi problema iyan. Napakadaming masasarap na pagkain sa Pilipinas. Ika nga nila “ONLI IN DA PILIPINS”. Andyan ang ballot, meron bas a ibang bansa niyan? Walaaa. Eh ang taho? Sa atin lang yan! Isaw, dugo, balun-balunan, ow street foods. Sa atin lang matitikman yan! Fishball? Fishball ni Mang Ben? Sa Lagro lang yan. Napakaraming pagkain na sa Pilipinas mo lang matatagpuan. At kapag hindi ka pa nakakakain sa ilan sa mga iyan, aba! Pilipino ka ba? Kaysarap ng pagkaing Pilipino!

                Jeep. Isa sa pinagmamalaki ng ating bansa, tayo kaya nagpauso niyan! Tayo din ang nagpasimuno ng kalesa sa mga lalawigan ng Vigan. At ang mga kalabaw na nag-iikot sa siyudad dala-dala ang mga kagamitang ibinebenta. ONLI IN DA PILIPINS!
                Sadyang napakasaya sa Pilipinas kung mapapansin mo lang. Napakaganda ng bansang Pilipinas kung aalagaan mo lang. Kaysarap manirahan sa Pilipinas sana ramdam mo iyon. Kaya dapat natin iyong ipagmalaki kasi It’s more fun in the Philippines, ONLI IN DA PILIPINS! 
                   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento