Sabado, Hulyo 14, 2012

EPIC Week of July


Grabe! Ang daming nangyari ngayong week na ito from July 10 hanggang ngayon July 14… Hahahayy.
July 10: Umuwi kami ng maulan.. Eh ang nasakyan naming jeep, ang barubal. Kaya ayun, sa sobrang bilis, tumatalbog at sa di inaasahang pangyayari, Pumasok lahat ng tubig galing sa labas sa papasok ng jeep. So anung nangyari? Edi nabasa ako, buhok at damit ko. MALASSSS!!! para akong basang sisiw..
July 11: saya na sana eh.. Pauwi na kami, tapos may dumaan na jeep na walang sakay, edi sumakay kami.. edi kami lang din ang sakay.. tapos huminto yung jeep namin sa school. (galing kasi kaming Hilltop) tapos may driver na nagsabi sa kanya “sa hilltop, madaming pasahero” Edi baliw na driver, binalik ang pamasahe namin at pinababa kami ng jeep niya. Edi naglakad ulit kami pa Hilltop, tapos nakita namin yung jeep niya, puno na ng pasahero.
July 12: #KiligDay Hahaha! Ansabe? Isa lang madedescribe ko dito… Yung feeling na titingnan mo palang siya, pero nakatingin na pala siya sayo tapos mag-iiwasan kayo ng tingin… Hahaha. Nakakatawaaaaa! LOL. ;)
July 13: Friday the 13th pero sobrang saya. Haha. Yung uuwi kanalng sa bahay niyo, tapos tawa ka pa ng tawa. Paano kasi yung driver, BANGAG!! haha. May sumakay na babae at lalake.. sabi ng driver sa babae “iwanan mo na yang boyfriend mo, ang panget panget naman” hahaha… dun palang, tawa na kami ng tawa … Haha.. tapos nung sumakay na, inaasar padin ng driver kasi magkahiwalay silang nagbayad.. sabi ng driver “oh, bakit magkahiwalay kayo ng bayad? dapat nililibre ang babae” hahaha… basta ang dami pang sinasabi ng driver na sobraaaang nakakatawaaaa! ang saya ng Friday the 13th. ;)
July 14: Ito na yung review namin sa UP!! ;) May hiwalay akong blog dito ;)
END.. Bow.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento