Sabado, Hulyo 14, 2012

Ang Mahalaga, Kasama Ko Kayo.


Marami ng pangyayari sa aking buhay ang nagdaan, iba’t ibang pagsubok, kasiyahan at mga pag aaway, pero walang nakatinag sa amin. Walang nakasira sa samahang puro tawanan, hagikgikan at iyakan dahil sa sobrang kasiyahan. Ibang klase kasi kami, samahang walang iwanan magpakailanman. Pero hindi pala. Nagkamali ako sa lahat, ng may isang pangyayari na nagpabago sa samahan.
                Korni man kami, pero mga totoong tao. Iyan lang ang maipagmamalaki namin. Ngunit nang simulang umalis ang taong ito sa aming grupo, nabawasan ang tawanan, kulitan, paggagala na kaming anim lang, pagdalaw sa kanya kanyang bahay, pagkain sa ice cream house at marami pang masasayang pangyayari. Ngunit, umalis man ang taong ito, nawala man ang grupong “CLUBCORN”, isang malaking grupo ang pumalit. Isang grupong mananatiling korni sa paningin ng lahat ng tao, grupo na binubuo ng iba’t-ibang klase ng tao, isang grupong umalis na sa pagiging bata, isang grupong alam na ang kahihinatnan ng kanilang mga desisyon . Iyan kasi kami. Ibang klase. Walang katulad.
                Kung iyan ang pangyayaring lagi kong naaalala at hindi makalimutan. May mga bagay din akong pinapahalagahan at may ibang kahulugan sa akin. Una, ang Yengster shirt ko, ang unang yengster shirt ko na nakuha at nasuot ko nung una akong pumunta sa concert ng pinakamamahal kong si Ate Yeng. Sobrang mahalaga ang t-shirt na yun sa akin. Pangalawa, ang aking puppy bear. Galing naman siya sa isang mahalagang tao sa buhay ko. Kaya pinapahalagahan ko ang bear na yun. Pangatlo, yung bola na laruan na regalo naman sa akin ng bestfriend ko. Sobrang mahalaga yun kasi, kahit na madaming away man ang pagdaanan naming, magkasakitan man kami, alam namin na mag-aayos at mag-aayos parin kami. Wala ng mga away bata, nagkakaintindihan na kami, wala ng iyakan at wala ng sakitan. Kasi nga mag bestfriend kami.
                Mga bagay lang iyan na tinuturing kong mahalaga sa akin. Pero ang higit na mahalaga, ay ang mga panahong magkakasama kaming natuto at iniwan ang mga murang isipan. Ang mga pangyayaring iyon ay kailanmang hindi mabubura sa aking isipan. ;)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento